Wednesday, October 27, 2010

tula na tumutuligsa sa karapatang pantao ng mga kababaihan

“SUGATAN AT LUHAANG BULAKLAK”
by:Wilfredo J. Paladin Jr.

Mga Bulaklak sa Mata ng Lakan
Maganda, makukulay kaysarap pagmasdan,
Ngunit si bulaklak tago ang karamdaman,
Sa sanga nitong puro sugat ng kaalipinan

Minsan ang lakan, pinitas ang bulaklak
Inamoy, hinaplos malambot tulad ng bulak,
 Ngunit matapos hawakan ng pagkagalak
Kabod itinapon, durugin sa pagtapak

O yaong bulaklak, sa hardin at kapaligiran
Atin naming bigyan ng puwang sa lipunan
Kanilang kulay bango at kagandahan
Hayaang ipakita, ipaamoy sa kalahatan

Katulad ni Sisa, bulaklak ng rosal
Iginapos at itinapon ang angking kagandahan
Di pa nagsawa’t pinagtapak-tapakan
Hanggang masira, mawala dating kagandahan

Oo nga’t bulaklak Silang naturingan
Angking kagandahan dapat na nilang ipaglaban
Ano’t sino ba sila’t walang pakialam
Natuyong luha sa pagod ng kaanyuan

Mga bulaklak ngayon mayron ng sandata
Bulo, mga tinik ‘sing tulis ng espada
Sa mga mapanirang elemento ng kasamaan
Kailan ang bulaklak magiging pantay sa kalupaan.+

9 comments: