Tuesday, October 26, 2010

 Maria Clara
by:Wilfredo J. Paladin Jr.
Old Maria Clara

Maria Clara noo’y, hinahanap ngayon
Bakit sumunod sa kupas na panahon
Naging mapusok na nagtatagong ibon,
Kung lumipad na may mababa sa telon


Binibini, ikaw pa rin aming irog
Kahanga-hanga ka’t di mapagpatulog,
Pagiging mayumi’y,sa iyo’y nahubog
Ngunit sa ngayo’y tila yata’y lumubog





Sabi nga ng iba, kinapos sa tela
Baro’t saya’y,sadyang nakalimutan na
Sumunod sa uso’y tanging hangad nila,
Oh Maria Clara, bakit nagkaganyan ka?



New Maria Clara
Iyong mga kamay na mapagkalinga,
Iyong kagandahang aming sinisinta
Inang bayan mo’y sadyang nangungulila
Sa iyong katauhang, tila naluma



Maria Clara, nasan ang tunay mong kulay?
Bansang malaya’y hinahanap kang tunay,
Oh Maria Clara, ika’y bumangon muli,
Hinahanap-hanap, mahinhin mong ngiti

1 comment: