Wednesday, October 27, 2010

NASAAN NGA BA ANG MGA KABABAIHAN SA LIPUNAN NGAYON?

KABABAIHAN: NASAAN SA LIPUNAN?
by:Wilfredo J. Paladin Jr.


Isang kalasag, larawan ng kagandahan

Malakas matapang mahinhin sa kalooban

Matuwid matapat may prisipyong ipinaglalaban

Marikit maganda may sariling paninindigan




O kababaihan, nasaan nga ba

Iyong kalugaran sa bagong lipunan?

Isa,sampu, ‘sangdaan o higit pa

Nagapos sa kadena sa masidhing kaalipinan


Katulad ni Sisang binaliw ng kahiraoan

Isinako at ipinako ang angking katinuan

Di pa nagsawa’t inangkin ang kalayaan

Pano na kaya, kababaihan ng bayan



Oo nga’t babae kitang naturingan

Ang dapat na inyo’y inyong ipaglaban

Sino ba sila’t walang pakialam

Sa inyong saloobin pagod na sa pagkabalam.


No comments:

Post a Comment