Wednesday, October 27, 2010

what would you choose? LOVE or JUSTICE?

Wait for my upcoming novel(nobela) entitled Luha ng Alitaptap

tulang tumutuligsa at nagbibigay pagkakaiba sa kababaihan ng Pilipinas NOON at NGAYON

 “Maria Clara”by:Wilfredo J. Paladin Jr.Old Maria ...: " “Maria Clara”by:Wilfredo J. Paladin Jr. Old Maria Clara Maria Clara noo’y, hinahanap ngayonBakit sumunod sa kupas na panahonNaging mapuso..."

Tula ng Pag-ibig

 Tala ng Pag-ibig: "“Tala ng pag-Ibig”by:Wilfredo J. Paladin Jr. Oo nga’t minsan nang, ako ay nabigoHalos kamatayan, sa pusong madugoItong Pag-Ibig, sa tigang n..."

fredohpaladin: tula na tumutuligsa sa karapatang pantao ng mga ka...

fredohpaladin: tula na tumutuligsa sa karapatang pantao ng mga ka...: "“SUGATAN AT LUHAANG BULAKLAK”by:Wilfredo J. Paladin Jr. Mga Bulaklak sa Mata ng LakanMaganda, makukulay kaysarap pagmasdan,Ngunit si bulakla..."

NASAAN NGA BA ANG MGA KABABAIHAN SA LIPUNAN NGAYON?

KABABAIHAN: NASAAN SA LIPUNAN?
by:Wilfredo J. Paladin Jr.


Isang kalasag, larawan ng kagandahan

Malakas matapang mahinhin sa kalooban

Matuwid matapat may prisipyong ipinaglalaban

Marikit maganda may sariling paninindigan




O kababaihan, nasaan nga ba

Iyong kalugaran sa bagong lipunan?

Isa,sampu, ‘sangdaan o higit pa

Nagapos sa kadena sa masidhing kaalipinan


Katulad ni Sisang binaliw ng kahiraoan

Isinako at ipinako ang angking katinuan

Di pa nagsawa’t inangkin ang kalayaan

Pano na kaya, kababaihan ng bayan



Oo nga’t babae kitang naturingan

Ang dapat na inyo’y inyong ipaglaban

Sino ba sila’t walang pakialam

Sa inyong saloobin pagod na sa pagkabalam.


Ang Katamaran ng mga Pilipino:tula mula sa sanaysay ni rizal

fredohpaladin: Ang Katamaran ng mga Pilipino: "Juan waiting for the guava to fall directly to his mouth. Ang Katamaran ng mga Pilipino Ako’y tumingala, at sa Diyos ay nagwika,Totoo b..."

tula na tumutuligsa sa karapatang pantao ng mga kababaihan

“SUGATAN AT LUHAANG BULAKLAK”
by:Wilfredo J. Paladin Jr.

Mga Bulaklak sa Mata ng Lakan
Maganda, makukulay kaysarap pagmasdan,
Ngunit si bulaklak tago ang karamdaman,
Sa sanga nitong puro sugat ng kaalipinan

Minsan ang lakan, pinitas ang bulaklak
Inamoy, hinaplos malambot tulad ng bulak,
 Ngunit matapos hawakan ng pagkagalak
Kabod itinapon, durugin sa pagtapak

O yaong bulaklak, sa hardin at kapaligiran
Atin naming bigyan ng puwang sa lipunan
Kanilang kulay bango at kagandahan
Hayaang ipakita, ipaamoy sa kalahatan

Katulad ni Sisa, bulaklak ng rosal
Iginapos at itinapon ang angking kagandahan
Di pa nagsawa’t pinagtapak-tapakan
Hanggang masira, mawala dating kagandahan

Oo nga’t bulaklak Silang naturingan
Angking kagandahan dapat na nilang ipaglaban
Ano’t sino ba sila’t walang pakialam
Natuyong luha sa pagod ng kaanyuan

Mga bulaklak ngayon mayron ng sandata
Bulo, mga tinik ‘sing tulis ng espada
Sa mga mapanirang elemento ng kasamaan
Kailan ang bulaklak magiging pantay sa kalupaan.+

fredohpaladin: “Luha ng Alitaptap”by:Wilfredo J. Paladin Jr. Isan...

fredohpaladin: “Luha ng Alitaptap”by:Wilfredo J. Paladin Jr.
Isan...
: "“Luha ng Alitaptap”by:Wilfredo J. Paladin Jr. Isang liwanag sa gabing mapanglawPuno ng kalungkuta’t may sinisigaw“Ako’y Alitaptap, sa hamog ..."

Tuesday, October 26, 2010

Tula patungkol sa mga mang-mang na nagahahanap ng katarungan

Luha ng Alitaptap”
by:Wilfredo J. Paladin Jr.

Isang liwanag sa gabing mapanglaw
Puno ng kalungkuta’t may sinisigaw
“Ako’y Alitaptap, sa hamog ay uhaw
Ikinulong ako’t ang may sala’y ikaw!”

Pinaglaruan, pinagsamantalahan!
Isinilo!ipiniit sa kawalan!
Ngayo’y sumisigaw ang puso kong balam;
Ako’y alitaptap!mangmang, walang alam!

Ako’y alitaptap kahit nabubuhay!
Ang puso ko ay tigang, laon ng patay,
Sa mga pasakit, hanggang ngayo’y taglay
Sa pagkakapiit sa Kristal na bahay

Sariling luha ba? Sa ami’y papatay?
Liwanag na taglay, pano mabubuhay?
Kahit anong pilit ng pagtutumughay!
Tigang na damdamin, kapalit ng buhay!

Nasaan na, ang luha ng alitaptap?
Pa’no kaming inagawan ng pangarap?
Nasaan na ang kalasag na hinarap?
Lilok sag into! Luha ng alitaptap!

 Maria Clara
by:Wilfredo J. Paladin Jr.
Old Maria Clara

Maria Clara noo’y, hinahanap ngayon
Bakit sumunod sa kupas na panahon
Naging mapusok na nagtatagong ibon,
Kung lumipad na may mababa sa telon


Binibini, ikaw pa rin aming irog
Kahanga-hanga ka’t di mapagpatulog,
Pagiging mayumi’y,sa iyo’y nahubog
Ngunit sa ngayo’y tila yata’y lumubog





Sabi nga ng iba, kinapos sa tela
Baro’t saya’y,sadyang nakalimutan na
Sumunod sa uso’y tanging hangad nila,
Oh Maria Clara, bakit nagkaganyan ka?



New Maria Clara
Iyong mga kamay na mapagkalinga,
Iyong kagandahang aming sinisinta
Inang bayan mo’y sadyang nangungulila
Sa iyong katauhang, tila naluma



Maria Clara, nasan ang tunay mong kulay?
Bansang malaya’y hinahanap kang tunay,
Oh Maria Clara, ika’y bumangon muli,
Hinahanap-hanap, mahinhin mong ngiti